Friday, June 8, 2012

10 Pinakamayamang Bayan ng Cagayan

Income- Municipalities of the Province of Cagayan


Ito ang aking listahan ng mga pinakamayayamang bayan ng Cagayan. Ang data na ginamit ko sa paggawa ng listahang ito ay mula sa Department of Interior and Local Government Region 2 (DILG RO2) Website. Ang ginamit ko ay ang total income, ito ay ang IRA share + local-sourced revenues + other revenues

10.LALLO                                                                                                                 
Income: 87,500,000.00

Ang Lal-lo ay pasok sa Number 10 na may kitang P 87,500,000. Ang mga pangunahing kabuhayan sa Lal-lo ay agrikultura at komersyo. Hindi nakakapagtaka na ito ay pasok sa ating Top 10 dahil sa maliban umuusbong nitong agrikultura ay malakas din ang komersyo dahil na rin umano sa dito matatagpuan ang Magapit Bridge o mas kilala bilang Hanging Bridge. Ang pagiging pangunahing daanan nito papunta sa Ilocos at iba pang lugar ng Cagayan ay nakakatulong ng malaki sa paghatak ng turismo at kalaunan sa pagprogreso ng  Lal-lo 

9.TUAO                                                                                                                      
Income: 87,804,590.41

Pasok sa Number 9 ang Tuao na may kitang P 87,804,590. Tulad ng Lal-lo, ang mga pangunahing kabuhayan dito ay agrikultura at komersyo.  Minsan ding nailipat ang Provincial Government (Revolutionary Government) sa Tuao noong World War II sa pamumuno ni Governor Marcelo Adduru. (dito nila isinasagawa ang guerilla warfare laban sa mga Hapon) 

8.AMULUNG                                                                                                             
Income: 93,371,824.29

Ang Amulung ay pasok sa Number 8 sa kitang 93,371.824. Pangunahing kabuhayan sa Amulung ay ang pagsasaka at kasunod nito ay ang umuusbong din nitong komersyo.

7.GONZAGA                                                                                                              
Income: 95,173,509.16

Hindi nalalayo sa ikapitong pwesto ang Gonzaga na may kitang 95, 173,509. Maliban sa pagsasaka at pangingisda, ang malawak nitong kagubatan ay napagkukunan din ng kita. Kung nature trip ang hanap, isa din ang Gonzaga sa mga pangunahing destinasyon.

6.APARRI                                                                                                                  
Income: 101,260,823.97

Sa ikaanim na pwesto ay ang Aparri na nagtala ng kitang  P 101,260,823. Pangunahing kabuhayan sa bayan ng Aparri ay ang agrikultura at ang pangingisda. Isa ang Aparri sa mga tanyag na coastal towns ng Cagayan lalo na noong dekada 90 dahil sa madlas nating maririnig ang pangalan nito tuwing kinakanta ang Eat Bulaga. (sa mahabang panahon ay inakala ng mga ibang tao na ang dulo ng Pilipinas ay ang Aparri, mga tangengot)

5.SOLANA                                                                                                                 
Income: 107,088,317.36

Ikalima sa ating listahan ay ang Solan na mayroong P 107,088,317 na kita. Malakas din ang agrikultura at komersgyo sa bayan ng Solana. Ang malawak na lupain nito ay sagana sa pagtatanim ng palay.

4.PEÑABLANCA                                                                                                      
Income: 130,703,021.00

Pasok sa Number 4 ang Peñablanca sa kita nitong P 130,703,021. Pangunahing kabuhayan sa Peñablanca ay ang agrikultura, pero hindi natin maisasantabi ang pagiging popular na tourist destination nito. Dito matatagpuan ang tanyag na Callao Caves kinokonsidera ng marami bilang ang pangunahing tourist attraction ng Cagayan.

3.BAGGAO                                                                                                                
Income: 141,201,271.66

Sa kinita nitong P 141,201,271, pasok ang Baggao sa number 3. Pagsasaka din ang pangunahing kabuhayan sa Baggao. Maliban dito, ang tanyag na Kalimudan Falls at Duba Cave ay nakakatulong din sa pagprogreso ng turismo at komersyo sa bayan.

2.GATTARAN                                                                                                           
Income: 147,107,724.51

Sa Ikalawang pwesto ay ang bayan ng Gattaran na nakapagtala ng kitang P 147,107,724. Isa ang Gattaran sa mga bayan ng Cagayan na may pinakamalaking lupain. Dahil ditto, sagana ito sa mga lupang magagamit sa pagsasaka. Maliban sa pagsasaka ay maganda din ang takbo ng komersyo sa bayan.

1.TUGUEGARAO CITY                                                                                                      
Income: 560,799,467.57
           
At ang Number 1 (mahigit P 400,000,00 ang lamang sa ikalawang pwesto) ay walang iba kundi ang Tuguegarao City. Hindi na ito nakapagtataka o nakakagulat sapagkat ang Tuguegarao ay hindi lamang ang kabisera ng Cagayan, ito ay ang capital ng buong Rehiyon Dos. Ito ay ang sentro ng komersyo, edukasyon at ng gobyerno sa rehiyon at ito rin ang natatanging lungsod sa probinsya ng Cagayan.



Reference:

No comments:

Post a Comment