Friday, June 22, 2012

10 Bayang may Pinakamaraming Barangay sa Cagayan

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas noon 16th century, mayroon nang mga barangay. Ngunit noong panahong iyon, ang mga ito ay hindi napapailalim sa kahit na anong munisipyo, sila ay Malaya at kanya-kanya. Sa kasalukuyang panahaon, ang mga barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalalaang lokal. Noong administrasyon ni Ferdinand Marcos ginamit muli ang “barangay” bilang tawag sa noon ay mga barrio at ito ay pinagtibay ng 1991 Local Government Code.


Mahalag ang mga barangay sa pamamahala ng bawat munisipyo sapagkat sila ay mas malapit sa mga tao at dahil dito ay mas madali nilang natutugunan ang pangangailangan ng taumbayan. Ang lawak ng lupain at dami ng tao ay mga basehan sa pagkakabuo ng mga ito.

Number of Barangays in the Different Municipalities of Cagayan

Ang Cagayan ay binubuo ng 29 na bayan at 820 na mga barangay. Ito ang aking listahan ng mga baying may pinakamaraming barangay. 

10. Sa ikasampung pwesto ay ang munisipyo ng Sto. Niño na may 31 barangays sa    51,290 ektarya nitong lupain.

9. Lamang lang ng isang barangay ang Tuao na may 32 barangays sa 57,154.00 ekatarya nitong lupain

8.Ikawalo ang Lal-lo na may 35 barangays

7. Sunod sa ikapitong pwesto ang Solana na may 38 barangays

6. Ang bayan ng Claveria na may 41 barangays ay pasok sa ikaanim na pwesto

5. Sa ating top 5 ay ang bayan ng Aparri na may 42 barangays

4. Ang Amulung na may 47 barangays an gating number 4

3. Ang Baggao sa ikatlong pwesto ay may 48 barangays

2. Ang Tuguegarao na naguna sa ating listahan ng pinakamataong barangay ay ikalawa lamang sa 49 barangays. Ito ay marahil dahil sa 14,480 hectares lamang ang lupain ng Tuguegarao

1. Ang nanguna sa ating listahn ay ang Gattaran na may 50 barangays sa 70,750 ektarya nitong lupain at populasyon ng 59,746.

Reference:
2.      National Statistics Office, 2010 Census of Population and Housing

No comments:

Post a Comment