Thursday, May 31, 2012
Tribya: Pangalan ng Tuguegarao
Ayon sa mga kwento, ang Tugue ay galing sa salitang Ibanag na "tuggui" na ang ibig sabihin ay apoy o sunog. Ang "garao" naman, ayon sa iba, ay galing sa Ilokano word na "garao" na ang ibig sabihin ay galaw o gumalaw. Pinapakita lang daw nito na ang mga pangunahing mga lengwahe sa Tuguegarao ay Ilokano at Ibanag. Ang isa pang kwento ay noong unang dumating ang mga Espanyol sa bayan, tinanong nila kung ano ang pangalan ng bayan, ang sagot ng mga katutubo (dahil di nagkaintindihan) ay "tuggui gari yaw". Isa pang kwento ay galing daw sa dalawang salitang Ibanag na "tuggui" at "aggao" ibig sabihin sunog at araw, respectively. Dahil daw sa isang sunog na nangyari noon dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment